Header Ads

Bilibid Inmates Inirereklamo Ang Mga SAF Members Ng Harassment. Must Read This!



Nakakatanggap umano ang pari sa New Bilibid Prison (NBP) noong Sabado ng mga reklamo mula sa mga inmates ng di-umano'y harassment na nararanasan nila mula sa mga miyembro ng Special Action Force (SAF).

"Kagabi nga merong bumati ata na isang bilanggo sa SAF na 'Good evening, sir' binigwasan agad eh," sabi ni NBP chaplain Monsignor Roberto Olaguer.

Dagdag pa ni Olaguer na may nagreklamo din tungkol sa paghila ng isang miyembro SAF sa balbas ng isang bilanggo.


Bina-validate pa rin daw ang mga sinasabing report ng harassment sabi ni Olaquer.

Mariing pinabulaanan naman ng SAF spokesperson inspector na si Jonalyn Malnat ang mga nasabing reklamo.

Isinailalim sa "complete lockdown" ang NBP nitong Sabado upang isagawa ng mga tauhan ng SAF ang "Oplan Galugad" sa Quadrant 4 ng maximum security compound.

Libu-libong pera, mga sachet ng shabu at ilang mga ipinagbabawal na bagay ang nakuha pagkatapos isagawa ang raid na isanagawa alas-otso ng umaga hanggang alas-kwatro ng hapon.


SOURCE : Juan News Duterte Update

No comments

Powered by Blogger.