Header Ads

Nangongotong Na NPA member patay sa engkwentro. Must Read This!



Patay ang isang miyembro ng New People’s Army (NPA) matapos makasagupa ng pwersa ng AFP at PNP sa Malimono, Surigao del Norte habang nagsasagawa ng extortion activities kaninang umaga.

Ayon kay AFP Spokesperson B/Gen. Restituto Padilla, nagkaroon ng engkwentro sa pagitan ng tropa ng pamahalaan at NPA matapos tumugon ang mga tauhan ng 30th Infantry Batallion ng Philippine Army Infantry kasama ang hanay ng PNP sa sumbong ng ilang residente na may mga armadong lalaking nangingikil sa kanila.

Ani Padilla, tumagal ang palitan ng putok ng magkabilang panig ng limang minuto na nagresulta ng bakbakan na ikinamatay ng isang miembro ng NPA.
ADVERTISEMENT




Na-rekober ng military mula sa napatay na NPA member ang isang AK-47 rifle, pagkain, 2 improvised explosive device, mga bala at magazine ng baril.

Nauna nang iniutos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbabalik ng opensiba kontra sa komunistang grupo nang bawiin niya ang itinakdang unilateral ceasefire noong Sabado ng gabi.

Ito ang unang insidente naitala na bakbakan ng rebeldeng NPA at tropa ng pamahalaan matapos na bawiin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang idineklarang unilateral ceasefire sa mga rebelde.

SOURCE : globalnews.favradiofm.com

No comments

Powered by Blogger.