Header Ads

VIRAL DUTERTE NEWS - SATUR OCAMPO : HAHAMUNIN NATIN ANG GOBYERNONG DUTERTE..HAHH?? MUST WATCH AND READ THIS!



Hindi hakbang patungo sa pagbabago ang tingin ng dating mambabatas at Martial Law survivor na si Satur Ocampo sa pagpapahintulot ni Pangulong Rodrigo Duterte na ihimlay sa Libingan ng mga Bayani ang mga labi ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.
"Meron sanang pagtatagpo sa kanyang panawagan na 'Change is coming.' This is not the type of change," saad ni Ocampo ng partylist group Bayan Muna sa ginanap na pagtitipon nitong Sabado sa UP Diliman, Quezon City, ng mga naging biktima ng Batas Militar ni Marcos at iba't iba pang grupo.

Ang pagtitipon ay ginawa isang araw matapos ang sorpresang paghimlay kay Marcos sa LNMB nitong Biyernes.
Kabilang si Ocampo sa mga naghain ng petisyon sa Korte Suprema laban sa paghihimlay ng mga labi ni Marcos sa LNMB. Noong nakaraang linggo, ibinasura ng mga mahistrado ang mga petisyon.
Bago pa man lumabas ang desisyon ng SC, dati nang inihayag ni Duterte na pabor siyang ilibing si Marcos sa LNMB dahil nakasaad sa batas ang pagpapahintulot na ilibing sa naturang lugar ang mga dating pangulo ng bansa.

Sakabila ng nangyari nitong Biyernes, hinikayat ni Ocampo ang publiko, lalo na ang mga naging biktima ng pang-aabuso umano ng mga Marcos, na huwag tumigil sa pakikipaglaban.
"Kailangan natin gumawa ng counter-move sa iba't ibang paraan para mapigilan. Dapat hindi natatapos ang labang ito. Kinakailangang hindi makapanibago. Hahamunin natin ang gobyernong Duterte," ayon kay Ocampo, na opisyal din ng National Democratic Front (NDF).
Nakikipagnegosasyon si Duterte sa NDF para sa usapang pangkapayapaan sa maka-komunistang grupo.

ADVERTISEMENT


Pasaring ni Gov. Imee Marcos
Samantala, humingi ng paumanhin si dating senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. nitong Sabado matapos mabigla ang marami sa paglilibing sa kaniyang ama sa LNMB.
“Kami ay magso-sorry nang kaunti dahil hindi namin nai-announce nang mabuti ang paglibing sa aking ama sa Libingan ng mga Bayani,” saad ng nakababatang Marcos sa misang dinaluhan ng kanilang mga tagasuporta na ginanap sa libingan nitong Sabado.
Paliwanag niya, nais lang nilang matiyak ang kaayusan sa libing ng dating pangulo.
“Marami po kaming balitang nasasagap mga report na dumarating sa amin na ang balak ng iba ay manggulo at ang kinakatakutan namin ay makipagsagupaan ang grupo ng pro-Marcos at 'yung mga tumututol sa kanyang paglibing sa Libingan ng mga Bayani,” dagdag ni Bongbong.
“Wala naman problema sana ‘yun pero talagang kitang-kita na sa plano ay gumawa ng gulo ay kinakatakutan namin na may masaktan, ayaw namin mangyari,” paliwanag pa niya.
Sakabila ng mga protesta, sinabi ng dating senador na naging tahimik ang sitwasyon sa pangkalahatan.
“Napakaganda naman ng seremonya. Very dignified, very solemn tulad ng kaniyang hiniling sa amin,” aniya.
Sa kaniya namang talumpati, inilarawan ni Ilocos Norte Gov. Imee Marcos na “maysakit at naninilaw” ang mga nagpoprotesta sa paglilibing ng kaniyang ama sa LNMB.
“Sana naintindihan ninyo dahil marami ang maingay diyan na mukhang maysakit at naninilaw,” paliwanag ni Imee sa kanilang mga tagasuporta kaugnay sa sikretong paglilibing sa dating lider.
Upang makabawi, sinabi ni Imee na ang kanilang mga tagasuporta ang unang nakadalaw sa puntod ng kaniyang ama.
“Kayo ang unang unang nandito para alam ng tatay ko na kayong lahat ay kasama namin…. Maraming salamat sa inyong lahat,” ayon sa gobernador.
Sa ulat ng GMA News TV's "Balitanghali," sinabing nasa 2,000 tagasuporta ng mga Marcos ang nagtungo sa LNMB.


SOURCE : GMA NEWS

No comments

Powered by Blogger.