JUST IN - CCTV F0OTAGE: IPANAKITA UMANO KUNG PAANO "TINANIMAN" NG SHABU ANG ISANG ESTUDYANTE NA NAAARESTO SA GENSAN. MUST WATCH THIS!
MAYNILA, Pilipinas – Isang CCTV footage ang ibinahagi sa social media na nagpapakita umano kung paano ‘tinaniman’ ng shabu ng mga pulis ang isang Criminology student sa General Santos City na naaresto kamakailan.
Sa mahigit 6-minutong footage na ibinahagi sa Facebook page na “Katotohanan sa likod ng kasinungalingan”, isinasalaysay ng isang boses kung paano daw sadyang tinaniman ng pakete ng shabu ang bulsa ng estudyante habang inaaresto ito.
Maaaring ang tinutukoy na estudyante sa video ay si Asrap Usman, 22 anyos, at nag-aaral sa Ramon Magsaysay Memorial Colleges.
Ayon sa ulat ng ABS-CBN News, si Usman ay nahuli sa isang ‘drug buy-bust operation’ noong ika-6 ng Disyembre.
Noong una umano’y tumanggi si Usman na nagbebenta siya ng droga, subalit umamin na rin ito kinalaunan habang kinukuwestiyon.
Kinumpirma din ni Police Superintendent Maximo Sebastian Jr., hepe ng Anti-Illegal Drugs Special Operations Task Group ng Region 12 na may nakapagbigay sa kanila ng tip na sangkot nga si Usman sa bentahan ng droga.
Subalit ayon sa nagkukuwento sa CCTV footage, malinaw na tinaniman lang ang estudyante at saka pilit na pinaamin ito ng mga pulis.
Makikita rin sa unang bahagi ng video na nakahawak sa bulsa ng pantalon ng estudyante ang isang hindi unipormadong pulis umano na umaresto sa estudyante.
Mistulang sinasaktan din ng mga lalaki ang estudyante habang nakaupo ito sa mesa.
Ayon pa sa nagkukuwento, puwersahang pinaamin ang naturang estudyante at tinakot itong babarilin at palalabasing nanlaban o tumakas.
Panoorin ang video sa baba at suriin kung sino ang nagsasabi ng totoo:
Post a Comment