Header Ads

VIRAL DITERTE NEWS - ISA NA NAMANG SHABU LAB NADISKUBRE SA SAN JUAN, 44 DRUMS NG KEMIKAL SANGKAP SA SHABU NAREKOBER. MUST WATCH THIS!



Isa na namang pinaniniwalaang shabu laboratory ang sinalakay ng mga operatiba ng National Bureau of Investigation at San Juan City Police sa Wilson Street ilang araw lang ang lumipas matapos makumpiska ang mahigit P3.5 bilyong halaga ng shabu sa naturan ding lungsod.

Armado ng search warrant na inisyu ng isang regional trial court sa Makati City, sinalakay ng mga awtoridad ang apartment dakong alas-onse ng umaga noong Lunes, ika-26 ng Disyembre. Apatnapu’t apat na drums ng ephedrine na ginagamit na sangkap sa paggawa ng shabu ang narekober.

ADVERTISEMENT


Ayon sa GMA News Online, nasamsam din sa loob ng shabu lab ang mga humidifiers, electric mixers, condensers, weighing scales, at foil. Narekober din ang isang Nissan Urvan, may plakang AAA 7764, na wala nang mga upuan sa dakong likuran kung saan nagkalat ang mga puting pulbos sa sahig.

“Pinaghihiwalay-hiwalay nila ‘yung mga makinarya so that hindi siya mate-trace. Dito nila pinatutuyo ‘yung iba,” ani Atty. Ross Jonathan Galicia, deputy director ng NBI Task Force Against Illegal Drugs.

Wala ang umuupa sa nasabing apartment nang sumalakay ang NBI at mga pulis-San Juan, pero naniniwala ang mga awtoridad na may kaugnayan ang shabu lab sa mga naunang ni-raid na establisyimento sa San Juan kung saan libu-libong kilo ng shabu ang narekober noong nakaraang linggo.

ADVERTISEMENT


SOURCE : definitelyfilipino

No comments

Powered by Blogger.