WATCH! PRES DUTERTE NAG-ALOK SA MILF,MNLF AT NPA NA MAGING SUNDALO NG REPUBLIKA NG PILIPINAS PARA LABANAN ANG MGA TERORISTA...
Pres. Duterte - "Alam mo, I am announcing to all na lahat ng sundalo ng MI, MN, kung matagal pa ito at gusto ninyong sumali, makipagsapalaran sa Republika, I am offering them, kunin ko kayong sundalo, same pay, same privileges, and I will build houses for you in some areas.
At lahat ng NPA nakikinig ngayon, kung iwanan ninyo ‘yan, ilang taon na ‘yan, wala namang ginawa kung ‘di pahirapan ang kapwa tao, they have never succeeded in occupying a single barangay dito.
Mabuti pa itong Maute. Nag-hold pa ng ilang araw. Kayong mga NPA, wala. Niloloko lang kayo niyan. Iyong taxation, hindi ninyo alam, malalaki ang ibinigay, kayo diyan gutom.
Sige kayo pangilkil, manghingi, extortion. I am going to create a new division for you, para sa inyo. Wala ng qualification, tutal marunong naman kayo mag-baril.
Practice na lang kayo ng kalabit. I am willing to take you soldiers of the Republic, lahat, MI, MN, pati NPA. Para ang sundalo ko halu-halo.
Ngayon ‘yung mga lugar na master ninyo, doon kayo maghanap ng kalaban. ‘Yan ang offer ko sa lahat."...
Loading...
Post a Comment