WATCH! EMOSYONAL NA HUMIHINGI NG TAWAD SA MGA BIKTIMA ANG MGAULANG NG GUNMAN SA "RESORTS WORLD MANILA" NA SI JESSI CARLOS...
MANILA, Philippines – Natukoy na ang pagkakakilanlan ng gunman na umatake sa Resorts World noong Biyernes, June 2, 2017, na ikinamatay ng 38 katao.
Sa press conference na pinangunahan ni NCRPO Chief Director Oscar Albayalde, idinetalye niya ang pagkakakilanlan ng nasabing suspek ayon sa kanilang imbestigasyon.
Ayon kay Albayalde, sa kanilang backtracking, sa San Lazaro, Barangay 339, Sta. Cruz, Manila nakatira ang suspek na kinilala nilang si Jessie Carlos, 42 years old. Dati raw itong empleyado ng Department of Finance.
Hiniwalayan daw ng asawa si Carlos isang buwan na ang nakakalipas at napag-alaman ding may utang na 4 Million pesos sa bangko. Nabenta na rin daw ng suspek ang kanyang ilang ari-arian.
Kasama rin ni Albayalde sa press conference ang magulang, asawa at ang gasoline boy bilang testigo.
Nakuha rin ng otoridad ang CCTV footage sa isang gasolinahan kung saan nakita ang suspek na bumili ng gasolina. Pinatunayan naman ng nasabing gasoline boy na bumili sa kanya ang suspek ng dalawang 1.5 na litro ng gasolina.
Mariing iginiit naman ng tatay ng suspek na walang problema sa pag-iisip ang kanyang anak pero malaki raw ang problema nito sa pera.
Nalulong daw sa sugal si Carlos, kung saan, ang madalas na minimum bet nya ay 40,000 pesos kaya rin daw sya nagkautang-utang.
Napag-alaman din ng otoridad na banned si Carlos sa lahat ng casino mula pa noong April 3, 2017 na posibleng isa raw sa ikinagalit ng suspek.
Emosyonal naman ang mga magulang ni Carlos habang humihingi ng tawad sa mga naging biktima ng insidenteng gawa ng kanilang anak.
Sinabi rin ni Albayalde malinaw na hindi terorismo ang nangyari kundi pagnanakaw.
Loading...
Post a Comment