Header Ads

WATCH! MILITAR UMAMIN NA NATAKASAN SILA NG MGA MAUTE SA MARAWI CITY, GRAND MOSQUE AT POLICE STATION MATAGUMPAY NA NABAWI NG MGA MILITAR...

ADVERTISEMENT


Matapos ang matagumpay na pagbawi sa grand mosque at sa isang police station sa main battle area ng Marawi City, aminado ang Armed Forces of the Philippines na natakasan sila ng mga natitira pang miyembro ng Maute.

Ang grand mosque o Mosque Bato ay ginamit na stronghold o pinagkutaan ng mga Maute noon pang magsimula ang pagkubkob nila sa siyudad noong ika-23 ng Mayo. Doon din itinago ng mga terorista ang kanilang mga hostages.


Nito lang Huwebes, ika-24 ng Agosto, napasok ng tropa ng pamahalaan ang nasabing mosque matapos ang halos isang buwang operasyon upang bawiin iyon. Subalit walang bakas ng mga terorista at mga bihag na natagpuan sa loob ng grand mosque.

Ayon sa ulat ng RMN, sinabi ni Armed Forces of the Philippines spokesman Brig. Gen. Restituto Padilla na posibleng nakalipat na sa ibang lugar ang mga Maute bago pa man nakalapit doon ang mga sundalo.

Sa ngayon ay nakatuon ang atensyon ng militar sa iba pang mga mosque sa Marawi City na posibleng pinaglipatan ng mga Maute.


ADVERTISEMENT

WATCH THE VIDEO BELOW :

So what can you say about this one? Let us know your thoughts in the comment section below, and don't forget to share this post to your family and friends online. And also, visit our website more often for more updates.

SOURCE : YOUTUBE | DailyNewsPh

Loading...

No comments

Powered by Blogger.