Header Ads

TRILLANES HINAMON SI PRES DUTERTE : "PUMIRMA KA NA LANG NG WEAVER ANDAMI MO PANG SAT-SAT AT PANININDAK"...PANOORIN!


ADVERTISEMENT

WATCH THE VIDEO BELOW :

Hinamon ni Senador Antonio Trillanes IV si Pangulong Duterte na buksan ang kaniyang mga bank account nitong Lunes, Setyembre 11.

Ito'y kasunod ng pagpirma ni Trillanes sa "bank waivers" bilang patunay na wala siyang itinatago sa gitna ng alegasyong may mga deposito siya sa mga bangko sa Switzerland, New Zealand, Canada, at Singapore.


ADVERTISEMENT

Sa press conference na isinagawa ni Trillanes, pinabulaanan niya ang mga sinasabing "offshore" bank accounts na naunang ipinaratang ng brodkaster na si Erwin Tulfo, Presidential Communications Office Assistant Secretary Mocha Uson at ng Davao Breaking News website.

Giit niya, "fake news" ang kumakalat na bank accounts sa internet.

Galing ang impormasyon sa tatlong kapwa niya graduate ng Philippine Military Academy (PMA) na kaalyado ngayon ni Duterte, ayon kay Trillanes.
Ang isa sa kanila, retirado na umano habang nasa gobyerno pa ang dalawa.
Kaya hamon niya kay Duterte, hayaang busisiin ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) at ng Office of the Ombudsman ang kanyang mga bank account.


"Hindi puwedeng boka-boka diyan. Kailangan mong pumirma ng waiver. Kung matapang ka, kung hindi ka corrupt, pumirma ka ng waiver kagaya noong ginawa ko ngayon," ani Trillanes.
Sa isang pahayag naman, sinabi ni Presidential Legal Counsel Salvador Panelo na dati nang pumirma ng waiver si Duterte.

Sa paratang ni Trillanes, mayroong higit P200 milyon si Duterte sa bangko.

SOURCE  : YOUTUBE

Loading...

No comments

Powered by Blogger.