KAKAPASOK LANG NA BALITA NGAYONG UMAGA! Personal na pinasalamatan ni Pres Duterte ang Kongreso sa pag-apruba sa Martial Law Extension...PANOORIN!
Personal na pinasalamatan ngayon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Kongreso sa pag-apruba sa kanyang kahilingang palawigin pa ng isang taon ang Martial Law sa Mindanao.
Ginawa ito ni Pangulong Duterte sa kanyang pagsaksi sa ceremonial demilitarization ng ilang armas na narekober mula sa ISIS-Maute terror group sa Marawi City sa Philippine Army Headquarters sa Fort Bonifacio, Taguig City.
Sinabi ni Pangulong Duterte, nagpapasalamat siya sa mga mambabatas dahil nauunawaan nila ang pinagdaraanan ng mga Pilipino.
Ayon kay Pangulong Duterte, mahihirapan talaga siyang labanan ang mga terorista sa Mindanao kung walang Martial Law dahil hindi sapat ang hawak nitong kapangyarihan bilang pangulo.
Inihayag ni Pangulong Duterte na kabilang ang mga New People’s Army (NPA) na target ng Martial Law sa Mindanao at mahabang panahon na ang isang taong pag-iral pa nito sa rehiyon.
Iniutos din nito sa militar na gamitin ang mga attack helicopters sa NPA kapag namataan at inaasahan nitong sa loob ng isang taong bakbakan mauubusan ng bala ang mga rebelde na tinatawag na nitong terorista.
SOURCE : news update
Post a Comment