Header Ads

News Update - Pag-ungkat sa bank records ng mga sindikato ng droga, isinusulong sa Senado. Must Read This!



Nais ni Sen.Panfilo Lacscon na amyendahan ang Dangerous Drugs Act upang mabigyan ng oportunidad ang law enforcement agencies tulad ng Philippine National Police, Philippine Drug Enforcement Agency, National Bureau of Investigation at iba pa upang siyasatin ang bank records ng mga isinasangkot sa operasyon ng iligal na droga.

Sa Senate Bill 1025, nais isama ni Lacson sa kasalukuyang batas ang karapatan ng mga ahensyang nagiimbestiga na makakukha ng permiso sa korte upang masiyasat ang bank deposits, assets at iba pang bank records ng mga taong kinakitaan ng paglabag sa dangerous drugs act.

Kabilang na rito ang mga hinihinalang tulak, mga gumagawa, nagbibigay ng pondo, at mga umaangkat ng droga sa bansa.

Ayon sa senador, dahil sa bank secrecy law, limitado ang nagiging galaw ng mga awtoridad pagdating sa pagkumpiska at pagbawi ng mga perang mula sa illegal drug trade.
ADVERTISEMENT




Sang-ayon naman dito si Sen.Juan Miguel Zubiri.

Bagaman hindi pa maluwag ang batas pagdating sa bank secrecy, ayon kay Department Of Justice Sec. Vitaliano Aguirre, kasama pa rin sa mga iniimbestigahan nila ngayon ang bank records ng mga drug personality.

Maging si Sen.Leila De Lima, na namumuno sa imbestigasyon sa senado kaugnay ng mga kaso ng extrajudicial killings at summary executions ay hinahanda rin ang proceeds of crime act upang mas madali aniyang mahahanap at makikita kung saan napupunta ang kinikita na mga sindikato ng droga.

Sinang-ayunan naman ng Philippine National Police ang mga hakbang na ito ng senado.

Anila, sa paraang ito ay mas mapapadali ang pagtugis nila sa mga nasasangkot sa droga.

(Joyce Balancio / UNTV Correspondent)


No comments

Powered by Blogger.