Header Ads

JUST IN - PANGULONG DUTERTE MAGKAKAROON NG MORNING TV PARA MAGING SUMBUNGAN NG BAYAN LABAN SA MGA CORRUPT GOVERNMENT. MUST READ THIS!




Inanunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte na magkakaroon siya ng pang-umagang programa sa telebisyon na magiging sumbungan ng bayan laban sa mga palpak na serbisyo sa gobyerno.

"Now there is a Malacanang TV, PTV4, so may program ako dyan, I’ll give about, every morning, one hour," pahayag ng pangulo sa ginanap na Banana Congress sa Davao City.

"Lahat ng Filipino na nakatikim ng, whether it’s in the permit sa office of the mayor, or an electrical clearance or way of right already paid but unimplemented, i-text mo na lang. Your name, the government official, do not add your name," ayon sa pangulo.
ADVERTISEMENT




Hindi na bago para kay Duterte ang naturang uri ng service-oriented program dahil may katulad siyang programa noong alkalde pa lang siya ng Davao City.

Ang naturang mungkahi na magkaroon ng programa sa telebisyon at paglalathala ng pahayagang tabloid ay unang narinig kay Presidential Communications Operations Office (PCOO) chief Martin Andanar nitong nagdaang Hunyo.

Ayon kay Duterte, hindi dapat pahirapan at paghintayin nang matagal ang publiko sa pagkuha ng mga nilalakad na dokumento sa mga sangay ng gobyerno.

"Sabihin na ninyo, may corruption dyan sa city hall, ‘yung business. Kasi ang business permit, sa panahon ko, three days, sa kanila ngayon, one month.

Magbigay ka wala na talaga akong magawa. But if it just any sense at all, tulungan ninyo ako. Now I said, for each department, they are only given one month, lahat sila," anang pangulo.

"If you are made to go back and forth, magtext lang kayo. No more names. Magtext lang kayo, ako na ang bahala. Pag ‘di niyo ako tulungan wala talaga akong magawa para sa inyo. If you do not help me ferret out the bad guys. Eh di ‘wag kayong mag-complain ng corruption," dagdag niya.

Kasabay nito, muli siyang nagbabala sa mga opisyal ng gobyerno na hindi susunod sa kaniyang direktiba.

"Ang sabi ko sa mga taga gobyerno eh, and I will see to it, you are dismissed. I do not give a sh-- if you are a director, or a general," aniya. — FRJ, GMA News


SOURCE : GMA NEWS

No comments

Powered by Blogger.