Header Ads

WATCH! ATTY. SALVADOR PANELO :"Pag-aaralan ko ang Amnesty na Ibinigay Kay Trillanes at Kung Invalid ito, Siguradong Babalik Siya Sa Kulungan.."



Bubusisiin ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo kung legal at naaayon sa Konstitusyon ang iginawad na amnestiya ni dating pangulong Benigno Aquino III kay Senator Antonio Trillanes IV.

Ayon kay Panelo, pag-aaralan niya ang kaso at kung may batayan ang amnestiya ni Trillanes.

Una na kasing nagduda ang ilang legal groups sa legalidad ng amnestiya kay Trillanes dahil hindi naman ito nanagot sa kasong rebelyon.

ADVERTISEMENT


Inihayag din ni Panelo na aalamin niya ang mga "facts" ng kaso laban sa senador at kung mapatunayang hindi valid ang amnestiya ay posibleng mabalik ito sa kulungan.

Mababatid na nakasuhan ng kasong rebelyon si Trillanes dahil sa pag-aaklas sa pamahalaan ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo. | Jasmine Cruz

SOURCE : BRIGADANEWS

Loading...

No comments

Powered by Blogger.